Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Rape suspect arestado sa Tulunan, North Cotabato

(Tulunan, North Cotabato/ July 4, 2013) ---Arestado ang 47-anyos na magsasaka na akusado sa kasong panggagahasa sa isang 50-anyos na kapitbahay nila sa bayan ng Tulunan, North Cotabato.
       
Nanguna sa pag-aresto sa suspect na si Silverio Padojinog ng Barangay Sibsib, Tulunan ang mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Team (CIDT) North Cotabato, kasama ng kanilang mga civilian investigation support (CIS) agents.

      
Di naman raw pumalag si Padohinog nang arestuhin, bandang ala-una ng hapon, kanina, sa bahay nito sa Barangay Sibsib, bagama’t todo-tanggi siya sa akusasyon.
       
Ayon sa suspect, may relasyon sila ng biktima na kinilala’ng si Miranda, 50, at isa ring magsasaka na tulad niya.
       
Katunayan, may kung ilang beses na raw sila’ng nagtalik nito, lalo na kung wala ang mister ng babae.
       
Ang suspect ay pamilyado rin at may 10 anak, habang si Miranda ay may anim na anak.
       
Hinuli ang suspect batay sa warrant of arrest na inisyu noong April 2013 ni Judge Arvin Balagot ng Regional Trial Court branch 17.
       
Isasailalim sa custody ng CIDT-Cotabato ang suspect.
       
Para sa kanyang pansamantalang paglaya, nangangailangang maglagak ng piyansa si Padohinog ng abot sa P120 thousand, ayon sa CIDT. 




0 comments:

Mag-post ng isang Komento