Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

North Cotabato First District Representative, pormal nang nanumpa sa pwesto

(Midsayap, North Cotabato/ July 1, 2013) ---Sa ikalawang pagkakataon ay nanumpa si Jesus Sacdalan bilang kinatawan ng Unang Distrito ng North Cotabato.

Ginawa ito ng opisyal sa harap ng mga mamamayan ng bayan ng Pigcawayan nitong Linggo, a-30 ng Hunyo sa seremonya na pinangunahan mismo ni Judge Alexander Yarra.


Sinabi ni Rep. Sacdalan sa kanyang acceptance speech na kailangang magtulungan ng mga opisyal sa nasyunal at lokal na pamahalaan upang makamit ang minimithing kapayapaan at kaunlaran hindi lamang sa Pigcawayan ngunit sa buong distrito uno ng lalawigan.

Dagdag ng opisyal, kasabay ng mga development programs and projects na isusulong sa distrito ay ang patuloy na pagtataguyod ng mga inisyatibong mangangalaga sa kalikasan.

Samantala, masisilbi namang inducting officer si Sacdalan ngayong araw sa mga manunumpang bagong halal na opisyal ng bayan ng Midsayap. (Roderick Rivera Bautista)



0 comments:

Mag-post ng isang Komento