Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

31st Annual General Membership Meeting ng Cotelco, isasagawa

(Kabacan, North Cotabato/ July 5, 2013) ---Gagawin ang 31st  Annual General Membership Meeting ng Cotabato Electric Cooperative o Cotelco sa bayan ng Matalam ngayong Hulyo a-14 taong kasalukuyan.

Sa isang kalatas na ipinadala sa DXVL ni Cotelco General Manager Engr. Godofredo Homez gagawin ang taunang aktibidad sa Matalam Municipal gymnasium, Manubuan, Matalam.

Magsisimula ang resistration alas 7:00 ng umaga habang magsisimula naman ang proper program sa ganap na alas 9:00 ng umaga.

Ang nasabing pagpupulong ay batay sa board resolution ng Cotelco as mandated ng kanilang by-laws.


Ginagawa ang annual general membership meeting sa iba’t-ibang munisipyo na nasasakupan ng service erya ng cotelco taun-taon para lalo pang mapalapit ng kooperatiba sa mga member consumer nito. (Rhoderick Beñez)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento