Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Pikit PNP naka-alerto matapos na mamataan ang armadong grupo sa lugar

(Pikit, North Cotabato/ July 5, 2013) ---Nakaalerto ngayon ang pamunuan ng Pikit PNP matapos na mamataan ang ilang grupo ng mga armadong pangkat sa boundary ng Brgy. Langayen sa bayan ng Pikit at brgy. Dungguan sa bayan ng Aleosan.

Ayon kay PCInps. Jordine Maribojo, hepe ng Pikit PNP mag-limang araw na umanong namataan ang mga pinaniniwalaang grupo ng Bangsamoro Freedom Fighters o BIFF sa nabanggit na lugar.

Sa ngayon nagpapatuloy ang close monitoring ng PNP at Hukbong Sandatahang Lakas ng Pilipinas para tiyaking ligtas ang lugar sa anumang harassment.

Matatandaan na nagkaroon na rin ng tensiyon ang nabanggit na lugar matapos ang ilang mga sagupaan noon ng mga armadong grupo at panig ng pamahalaan sa nasabing bayan. (Rhoderick Beñez)



0 comments:

Mag-post ng isang Komento