Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

4 na bangkay biktima ng salvaging sa Makilala, North Cotabato

(Kabacan, North Cotabato/ July 2, 2013) ---Apat-katao na pinaniniwalaang nadale ng summary execution ang natagpuan sa gilid ng national highway sa Barangay Sinkatulan, bayan ng Makilala, North Cotabato kahapon ng madaling-araw.

Sa report ni P/Chief Insp. Joyce Birrey, hepe ng Makilala PNP ang mga biktima ay nagtamo ng mga tama ng bala ng baril partikular sa mukha at ulo.Sa police report, inilarawan ang unang biktima na naka-itim na t-shirt at outdoor pants, nasa 5’2 ang taas, kayumanggi habang ang ikalawa ay naka-sweat shirt na may kulay kombinasyon ng dilaw at asul, maong pants at may taas na 5’2 talampakan.

Samantala, ang ikatlong bangkay ay naka-sweat shirt din at maong na pantaloon pang ibaba at may taas na 5’2 habang ang ikaapat na bangkay ay may kapareho ding suot na asul at naka-maong pants.

Narekober sa crime scene ang 5-basyo ng cal.45 pistol, car astray na pinaniniwalaang mula sa sasakyan ng mga suspek at isang unit ng HD 111 Kawasaki motorcycle (MN 2091).

Malaki ang paniniwala ng pulisya na pinaslang sa ibang bayan ang mga biktima at itinapon sa nasabing lugar para iligaw ang mga nagsisiyasat. (Rhoderick Beñez)




0 comments:

Mag-post ng isang Komento