Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Hiniwalayan ni Misis, Mister nagbigti!

(Tulunan, North Cotabato/ July 2, 2013) ---Problema sa pamilya ang tumulak sa isang mister para tapusin ang buhay makaraang magpatiwakal sa puno ng Mangga sa brgy. Lampagang sa bayan ng Tulunan, North Cotabato alas 6:00 ng umaga kahapon.

Kinilala ang biktima na si Rexton Macabales kungsaan ginamit nito ang tali ng Kalabaw para kitlin ang buhay.Una ng sinabi ng biktima sa mismong nanay nito na magpakamatay siya, pero di umano siya pinansin.

Ang hiwalayan nila ng kanyang misis at ang mabigat na problema sa pamilya ang dahilan ng pagmaamkamatay ng biktima, ayon sa kanyang ina.

Nabatid na isang buwan na rin umanong hiwalay si Macabales sa misis nito.

Maagang naulila sa ama ang tatlong mga anak nito na halos na murang isipan pa lamang. (Rhoderick Beñez with reports from Ronald Padojinog)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento