Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Lalaki, sugatan makaraang saksakin ng Pinsan sa Kabacan

(Kabacan, North Cotabato/ April 28, 2015) ---Sugatan ang isang lalaki makaraang saksakin ng mismong pinsan nito sa Bonifacio st., Poblacion, Kabacan, Cotabato alas 7:30 kagabi.

Sa panayam ngayong umaga kay PSI Ronnie Cordero, ang OIC chief of Police ng Kabacan PNP kinilala nito ang biktima na si Edgardo Castillo Kiblaw habang ang suspek ay kinilala namang si Arnel Castillo kapwa residente ng nasabing lugar.


Batay sa ulat may dati na umanong alitan ang dalawa.

Kapwa naka-inum ang magpinsan ng muling nagkainitan at sinaksak ni Arnel ang pinsan na si Edgardo gamit ang ice pick kungsaan nasugatan ang biktima sa kamay.

Nahuli naman ang suspek ng pulisya at nasa Kabacan PNP Lock up cell.

Samantala, Kritikal naman ang isang lalaki, matapos pagbabarilin sa Linangcob, Kidapawan City alas 8:00 kamakalawa ng gabi.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Richard Sobrio, residente ng nasabing lugar.

Nagtamo ang biktima ng bala sa ulo, leeg at kamay na agad isinugod sa pagamutan.

Wala pang malinaw na dahilan sa pagbaril sa nasabing biktima. Rhoderick Beñez



0 comments:

Mag-post ng isang Komento