Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Katiwala ng Lodging House, binoga!

(North Cotabato/ May 1, 2015) ---Kamatayan ang sumalubong sa isang 42-anyos na care taker ng lodging house makaraang pagbabarilin ng di pa nakilalang suspek sa bisinidad ng Bonifacio St., Cotabato city alas pasado alas 10:00 kagabi.

Kinilala ng mga pulisya ang biktima na si Pitong “Thong” Ayunan, may asawa at care taker ng Nathaniel Lodging House na matatagpuan sa bahagi ng Bonifacio Street ng lungsod.


Batay sa ulat, nakatayo ang biktima sa labas ng nabanggit na lodging house nang bigla na lamang lapitan ng dalawa katao na lulan ng motorsiklo at wala abu-abong pinagbabaril ang biktima.

Nagtamo ng maraming tama ng bala ang biktima mula sa M-16 armalite riffle batay sa mga bala na narekober sa crime scene.

Naisugod pa ang biktima sa pinakamalapit na bahay pagamutan pero di na ito umabot pa ng buhay. Rhoderick Beñez



0 comments:

Mag-post ng isang Komento