Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

BIFF, kinumpirma na may koneksiyon sila sa ISIS

(Kabacan, North Cotabato/ April 29, 2015) ---Kinumpirma ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) ang koneksyon nila sa Islamic State of Iraq and Syria (ISIS).

Sa panayam ng DXVL News sinabi ni BIFF Spokesperson Abu Misry Mama na ang lahat ng sumusunod sa Islamic Law na tulad ng ISIS at BIFF ay nagtuturingang magkakapatid.

Gayunman, itinanggi ni Mama ang napaulat na presensya ng ISIS sa Mindanao.


Hindi na umano kailangan ang presensiya ng foreigner sa Mindanao sapagkat hindi rin nila alam ang mga lugar dito, giit pa ni Mama.

Ang tanging ugnayan aniya nila sa ISIS sa kasalukuyan ay sa pamamagitan ng telepono.


Kasabay nito, tiniyak ni Mama na tuluy-tuloy ang pakikipaglaban na gagawin nila hanggang matamo ang kagustuhang magkaroon ng independent Islamic state sa Mindanao.

Matatandaan na ang BIFF ay mga dating miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) na tumiwalag dahil tutol sila sa pagpasok sa usapang pangkapayapaan ng MILF.

Sa ngayon, sinabi ni Mama na lalo pang lumakas ang BIFF sa kabila ng halos isang buwang opensiba ng militar.

Sinabi ni Abu Misry Mama, spokesman ng BIFF na maraming mga dismayadong miyembro ng MILF ang lumipat sa kanilang grupo.


Tinawag na sinungaling ni Mama ang militar sa pahayag nito na mahina na ang puwersa ng BIFF. Rhoderick Beñez

0 comments:

Mag-post ng isang Komento