Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Mister, pinabulagta ng riding tandem sa Kidapawan City

By: Mark Anthony Pispis

(Kidapawan City/ April 29, 2015) ---Patay ang isang mister makaraang pagbabarilin ng riding tandem assassins sa kahabaan ng National High Way sa Purok 6-B, Brgy. Lanao Kidapawan City dakong alas 2:45 kahapon ng hapon.

Ayon kay P/Supt Franklin Anito, City PNP Director kinilala nito ang biktima na isang NHORUDIN KAMBANG, tinatayang nasa 35- 40 ang edad, may asawa, walang trabaho at residente ng  Brgy. Dungu-an Pagalungan sa lalawigan ng Maguindanao.


Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon, na naghihintay lamang ng masasakyang bus ang biktima sa nasabing lugar nang huminto dalawang metro mula sa kinalalagyan nito ang mga suspek.

Sakay ang tandem sa isang di pa matukoy na uri ng motorsiklo na kulay itim, walang plaka na ang isa ay may suot nakahelmet at isa pang angkas nito na nakasuot ng bonet.

Pinagbabaril ng 3 beses ang biktima sa ibat-ibang bahagi ng katawan nito ng nakaangkas sa nasabing motorsiklo.

Nakatakbo pa umano ng 5 metro ang biktima ngunit hinabol at binaril sa ulo na nagresulta sa agaran nitong kamatayan.

Agad tumakas ang mga suspek sa direksyon papuntang Cotabato City matapos na maisakatuparan ang masamang balakin.


Sa ngayon ay patuloy pang iniembistigahan ng Kidapawan City PNP ang nasabing insidente.

0 comments:

Mag-post ng isang Komento