Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Responsable sa pagpatay ka Abdul Basit Usman, hindi pa inilabas ng 6th ID

By: Mark Anthony Pispis

(Kabacan, North Cotabato/ May 5, 2015) ---Hindi pa makumpirma ng pamunuan ng AFP kung anu ang dahilan at kung sino talaga ang pumatay sa teroristang si Abdul Basit Usman.

Ayon kay 6th ID DPAO Chief Capt. Jo-ann Petinglay sa panayam ng DXVL News, kinumpirma nito na kahit ang pamunuan ng AFP ay nakakuha rin ng litrato ng patay na katawan ni Usman.

Aniya, bagamat inako ng MILF na isa sa mga kumander nila ang nakapatay sa notoryos na terorista ay hindi pa umano sila makapagbibigay ng opisyal na pahayag mula sa kanilang panig.


Dagdag pa ng opisyal na hindi naman nila binabaliwala na posibleng ang mga efforts ng AFP at PNP ang dahilan ng pagkamatay nito dahil hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na isa si Usman sa mga target nila sa ginawang All-out-offensive nitong nakaraang mga buwan.

Nabatid rin mula sa opisyal na bago paman napaslang si Usman ay meroon umanong namamataang 7-8 indibidwal na kasama ito na posibleng maging tagasunod nito.

Subalit, ang iilan sa mga ito ay nalagas rin sa nasabing insidente kamakalawa.

Hindi nila binabaliwala ng opisyal ang posibilidad na magkakaroon ng retaliation ang nasabing grupo at nakahanda naman sila rito.


Kung sino man ang nakapatay umano sa teroristang si usman ay ipagpasalamat nalang umano at napaslang ito at hindi na makapaghahasik pa ng lagim.

0 comments:

Mag-post ng isang Komento