Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Detachment ng militar, sinalakay ng armadong grupo sa Pikit, Cotabato

By: Christine Limos

(Pikit, North Cotabato/ May 4, 2015) ---Hinarras ng di mabilang na armadong mga kalalakihan ang hilagang bahagi ng detachment ng Alpha Company ng 7th Infantry Battalion ng Philippine Army sa Brgy. Batulawan, Pikit, Cotabato alas 10:30 kamakalawa ng gabi.

Sa inisyal na imbestigasyon, agad namang nakipag palitan ng putok ang tropa ng militar kung kaya’t umatras ang mga armadong grupo.
Tumagal lamang ng apat na minuto ang palitan ng mga putok. Rumisponde naman sa area ang tropa ng 7th IB sa pangunguna ni 1Lt. Danny Ray Nieves.

Patuloy pa ang ginagawang imbestigasyon hinggil sa naturang insidente at kung anong mga uri ng matataas sa baril ang ginamit ng mga armado.



0 comments:

Mag-post ng isang Komento