Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Nakaw na motorsiklo, narekober sa Pikit, North Cotabato

(Pikit, North Cotabato/ May 7, 2015) ---Narekober sa isinagawang hot pursuit operation ng Pikit PNP ang ninakaw na motorsiklo sa Brgy. Ladtingan sa bayan dakung alas 5:30 ng hapun kamakalawa.

Ayon kay PI Sindato Karim ang hepe ng Pikit PNP, kinilala lamang nito ang may-ari ng motorsiklo na isang Nexon Dimalanes.


Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon na nakaparada lamang umano ang motorsiklo nang biktima na isang Honda XRM, kulay asul, may plakang 6660FX sa pinagtatrabahuan nito sa bank house sa National Irrigation Administration, o NIA sa nasabing lugar nang tinangay ito ng di pa nakilalang mga suspek, wika ni Karim sa panayam ng DXVL News.

Agad tumungo sa Pikit PNP ang biktima.

Agad namang nagsagawa ng hot pursuit operation ang elemento ng Pikit PNP kasama ng BPAT at hinabol ang mga suspek dala ang nasabing motorsiklo.

Nang mamataan ng mga salarin na papalapit na ang mga otoridad at maabutan na sila nito ay kanila na lamang iniwan ang motorsiklo sa madamong bahagi ng nasabing lugat at agad tumakas ang mga ito.

Nabigo namang mahuli ng Pikit PNP ang mga suspek.

Agad namang itinurn-over sa may-ari ang motorsiklo matapos na maipakita ang kaukulang mga dokumento.

Sa ngayon ay patuloy pang inaalam ang pagkakakilanlan ng mga kawatan. Mark Anthony Pispis


0 comments:

Mag-post ng isang Komento