Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

18-anyos na Ginang, arestado sa pandurukot

By: Rhoderick BeƱez

(Tacurong City, Sultan Kudarat/May 10, 2015) ---Kulungan ang bagsak ng isang 18-anyos na ina makaraang matimbog ng mandukot sa Pamilihang Lungsod sa Tacurong City sa lalawigan ng Sultan Kudarat, kahapon ng umaga.

Sa report ng pulisya kinilala ang biktima na si Norhana Rocaima, 18-anyos, may asawa at dalawang anak, residente ng ng Barangay Malagapas, Cotabato City.

Nabawi mula sa suspek ang inipit umano nito sa mga hita na P11,320 cash ni Anabel Hopkins Marron, 33, may asawa, negosyante, ng Bgy. Katiku, President Quirino, Sultan Kudarat.

Ayon sa pahayag ni Hopkins, namimili siya sa palengke kasama ang kapatid nang napansin niya ang pang-iipit sa kanya ng suspek at ng isa pang tao, pero nang paalis na ito ay napuna ng kanyang kapatid ang ginawa ng mga suspek.

Agad namang nakaresponde ang mga pulis sa hindi kalayuan at nabawi kay Rocaima ang nasabing halaga habang mabilis namang nakatakas ang isa pang kasama ng suspek.



0 comments:

Mag-post ng isang Komento