Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Ex-Brgy. Chairman, itinumba ng tandem

by: Rhoderick Beñez

(Kabacan, North Cotabato/ May 9, 2015) ---Pinabulagta ng riding tandem assassins ang dating Punong Barangay sa panibagong krimen na naganap sa Brgy. Aringay, Kabacan, North Cotabato alas 3:15 kahapon ng hapon.

Sa panayam ng DXVL News kay PSI Ronnie Cordero, OIC-Kabacan PNP kinilala ang biktima na si Ricardo Lachica, nasa tamang edad, may asawa, magsasaka at residente ng Brgy. Osias ng nabanggit na bayan.


Napag-alaman na ang biktima ay dating punong barangay ng Lower Paatan dito sa bayan ng Kabacan.

Batay sa inisyal na pagsisiyasat, sakay si Lachica sa kanyang motorsiklo ng tabihan ng riding tandem at pagbabarilin ng malapitan.

Patay on the spot ang biktima makaraang magtamo ng tama ng bala sa iba’t-ibang bahagi ng kanyang katawan.

Mabilis na tumakas ang mga suspek lulan ng kulay itim na Kawasaki Rouser.
Narekober sa pinangyarihan ng insidente ang 7 bala ng kalibre .45, 4 na piraso na bala ng 9mm.

Sa ngayon patuloy na tinutugis ng mga kapulisan ang suspek habang inaalam ang motibo sa nasabing insidente. 


0 comments:

Mag-post ng isang Komento