Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Mamamayan ng Kabacan, dismayado sa pagkatalo ni Manny Pacquiao

By: Mark Anthony Pispis

(Kabacan, North Cotabato/ May 4, 2015) ---Hindi makapaniwala ang mga mamayan ng bayan ng Kabacan hinggil sa pagkatalo ng pambansang kamao na si Manny “Pacman” Pacquiao sa laban nito kay Floyd Mayweather kahapon.

Ayon sa ilang mga taga Kabacan na nakapanayam ng DXVL News Team, nadaya umano ang nasabing laban ni Pacman.


Anila, kitang kita umano na, mas maraming suntok na pikawalan ang pambansang kamao sa kasagsagan ng laban hanggang sa matapos ito kung ikukumpara sa mga binitiwang suntok ni Mayweather.

Wala umanong ginawa si Mayweather kundi tumakbo at yakapin lang si Pacquiao.

Kaduda-duda din umano ang malaking agwat ng final scores ng mga judges.

Bagamat dismayado ang mga ito sa naging disiyon ng mga hurado sa nasabing Mega Fight of the Century sa Las Vegas Nevada ay panalo parin ang Pinoy Boxing Champion para sa mga ito.


0 comments:

Mag-post ng isang Komento