Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Mister, utas sa selosang Misis

(North Cotabato/ May 8, 2015) ---Kamatayan ang sumalubong sa isang mister makaraang pagtatagain ng misis dahil sa selos sa nangyaring krimen sa bayan ng Barira probinsiya ng Maguinadanao alas 2:00 kahapon ng hapon.

Sa ulat na nakarating kay Police Senior Inspector Haron Macabanding, ang hepe ng Barira PNP na may pinagtalunan ang biktima at ang misis nito.

Matagal na ring nagtimpi ang suspek dahil sa may kutob itong may babaeng iba ang mister.

Kaya ng magtalo sila kahapon, sumiklab ang galit ng misis at habang nakatalikod ang mister kanyang tinaga ito sa leeg hanggang sa mapatay.

Hindi umano inakala ng misis na mapatay nito ang Mister dahil sa sobrang selos.

Agad namang tumakas ang misis ng malamang patay na ang mister at naliligo sa sariling dugo.

Pinaghahanap na ng mga kapulisan ang misis na suspek habang agad namang inilibing ang biktima batay sa tradisyong Muslim. Rhoderick Beñez



0 comments:

Mag-post ng isang Komento