by: Jimmy sta. Cruz
(AMAS, Kidapawan City/ May 10, 2015) - Dahil sa ipinakitang husay, nakamit ng
Region 12 o SOCCSKSARGEN delegation ang ika-walong puwesto o rank 8 sa
katatapos lamang na Palarong Pambansa 2015 sa Mankilam, Tagum City, Davao del
Sur kahapon.
![]() |
Photo: Benjie Caballero |
Nasungkit ng Region 12 ang kabuuang 65 medals sa palaro na nagsimula noong May 3-hanggang May 9, 2015.
Sa 65 na medalya 13 dito ay gold sa table tennis, taekwondo at lawn tennis; 24 ang silver sa table tennis, taekwondo at swimming at 28 ang bronze sa softball, lawn tennis at badminton.
Namukod-tangi ang mga manlalaro mula sa Cotabato Province kung saan nagwagi sa ilang mga pangunahing regular sports ng Palarong Pambansa 2015.

Abot naman sa 17 ang kabuuang bilang ng mga rehiyon na lumahok sa palaro.



Ayon kay Obas, malaki ang nagawa ng ibayong suportang ipinagkaloob ni Gov Emmylou “Lala” J. Taliño-Mendoza sa mga atleta ng Cotabato Province kaya inspirado at determinado ang mga ito na maiuwi ang tagumpay sa lalawigan.

Pinasalamatan ng gobernadora ang mga manlalaro ng Cotabato Province at tiniyak ang patuloy na suporta sa susunod pang mga taon.
Ayon pa sa gobernadora, tuluy-tuloy ang pagsisikap ng mga provincial officials upang mabago ang imahe ng Cotabato Province mula sa isang conflict area tungo sa isang mapayapa at maunlad na lalawigan.


Pinuri din ni Gov. Taliño-Mendoza ang Tribung Kalivungan ng Midsayap Dilangalen National High School na nagwagi bilang 5th Runner-Up sa Aliwan Festival 2015-Grand Parade na matapos magpakita ang ibayong husay ay nag-uwi ng karangalan sa Cotabato Province.
Lahat ng ito ayon pa sa gobernadora ay
patunay na patuloy sa pagsulong at pag-angat ang lalawigan ng Cotabato sa
larangan ng sports, culture, academics at iba pa at nakikilala na bilang
maunlad at mapayapang lalawigan. (JIMMY
STA. CRUZ-PGO Media Center)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento