Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

MILF vs MNLF: 1 patay; 100 nagsilikas

(Matalam, North Cotabato/ June 16, 2014) ---Umaabot sa 100 residente ang nagsilikas habang isa naman ang napatay makaraang magsagupa ang armadong grupo ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) at Moro National Liberation Front (MNLF) sa Sitio Mateo, Barangay Manubuan sa bayan ng Matalam, North Cotabato kamakalawa ng kahapon.

Kinilala ni SPO1 Froilan Gravidez ang napatay na si Mentato Galangan, 27, habang aabot sa mahigit 100 residente ang lumikas mula sa kanilang tahanan matapos marinig ang serye ng putukan ng magkabilang grupo.

Nabatid na pinangunahan ni Kumander Mano Sandab ang grupo ng MNLF laban sa grupo ng MILF ni Kumander Oscar Matiagal kung saan umabot sa 20 minuto ang nasabing bakbakan. 

Agad namang rumesponde ang Matalam PNP sa pagpapalikas sa mga residente para hindi madamay sa nagaganap na bakbakan.

Kasalukuyang nasa Matalam Municipal Gym ang mga residenteng naapektuhan habang patuloy naman ang pagtulong ng Matalam Municipal Social Welfare and Development Office. Rhoderick Beñez PSN



0 comments:

Mag-post ng isang Komento