Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Manager dedo sa ambush

(South Cotabato/ June 20, 2014) ---Pinabulagta ang manager ng lokal na sangay ng Pepsi Cola Company makaraang pagbabarilin ng  riding-in-tandem gunmen sa Purok San Roque, Brgy. Labangal sa General Santos City, South Cotabato kamakalawa.

Kinilala ng pulisya  ang biktima na si Rey Carba na naka-assign sa bayan ng Tacurong, Sultan Kudarat at dumalo lamang sa pagpupulong ng kanilang kompanya sa nasabing lungsod.

Wasak ang salamin ng driver’s side kung saan naka-seat belt pa ang duguang biktima at umaandar pa ang makina ng kotse nang madatnan ng mga operatiba ng pulisya.

Ayon sa mga nakasaksi sa pananambang, kulay pulang motorsiklo na lulan ang dalawang di-kilalang lalaki rumatrat sa Toyota Vios ng biktima pagsapit sa na­sabing lugar.

Sinasabing nag-remit umano ng malaking ha­laga ang biktima sa kanilang planta sa Purok San Roque kasama ang kanyang asawa bago naghiwalay ang mga ito dahil unang umuwi ang babae gamit ang sariling kotse.


Narekober sa crime scene ang 10 basyo ng bala ng cal. 9mm pistol habang pa­tuloy naman ang imbes­tigasyon. Rhoderick Beñez

0 comments:

Mag-post ng isang Komento