Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Magsasaka, pinatay ng kabaro!

(Lanao del Sur/ June 18, 2014) ---Patay ang isang isang magsasaka, makaraang barilin ng kapwa magsasaka sa Brgy. Bakayawan, Malabang Lanao del Sur kahapon ng umaga.

Kinilala ni Malabang Chief of Police Inspector Alrashid Tulawi ang biktima na si Simeon Panganiban Ventura, residente rin ng nabanggit na lugar.

Ayon sa report nag-uusap lamang ang suspek na kinilalang si Bahkit Abdul at sinabihan sya ng biktima na huwag na lamang maglagay ng bakod dahil nasa loob naman umano sila ng iisang compound.

Peru bigla na lamang bumunot ng baril si Abdul at binaril ang biktima gamit ang isang kalibre .45 pistol kungsaan tinamaan sa likurang bahagi ng kanyang katawan at sinundan pa sa batok nito na nagresulta ng kanyang agarang kamatayan.

Lumalabas naman sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya na plano na talaga ng suspek na patayin ang biktima dahil napag alamang bago pa mangyari ang insedente ay hinakot na nito ang kanyang mga gamit at mga hayop.


Sa ngayon ay patuloy pang iniimbestigahan ng mga otoridad ang insedente habang pinaghahanap naman si abdul para managot sa nasabing krimen. Krezel Dianne Sampani

0 comments:

Mag-post ng isang Komento