Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Bigtime drug courier, arestado sa Kidapawan City

(North Cotabato/ June 20, 2014) ---Kulungan ang bagsak ng lima katao kasama na dito ang big-time drug courier makaraang maresto ang mga ito sa inilatag na buybust operation ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA-ARMM, sa dalawang magkahiwalay na buy-bust raid sa Kidapawan City, kagabi.

Batay sa ulat ng PDEA-ARMM dakong alas 8:30 kagabi ng unang maaresto ang tatlo habang ang dalawa ay nasakote naman sa may Purok Kasoy, Sinsuat Street, bandang alas-10 kagabi.

Kinilala ng PDEA-ARMM ang dalawa sa lima’ng nahuli na sina Jomar Bellocino, driver ng delivery panel ng Rich Cocoa Corporation na nakabase sa Banga, South Cotabato; at Carlito Betalino ng Samal Island, Davao del Norte.

Si Bellocino at dalawang iba pa ay nahuli nila sa Room Number 8 ng Ate Vanz Lodging House sa Barangay Balindog, Kidapawan City, alas-830 kagabi.

Bandang alas-10 kagabi, nahuli ng mga PDEA-ARMM ang isang lalaki at babae sa isang kwarto sa Purok Kasoy, Sinsuat St sa Poblacion ng Kidapawan.

Tumangka pa umano na tumakas ng dalawa kaya’t hinabol at pinaputukan.   Nasukol din sila ng mga awtoridad, pagkatapos.

Ayon sa report, isinakay ang dalawa sa isang grey Toyota Innovva na may plakang LFF 808.

Sa ngayon nasa kustodiya na ang mga ito ng PDEA-ARMM sa Cotabato City habang inihahanda ang mga kaso kontra sa kanila. Rhoderick Beñez



0 comments:

Mag-post ng isang Komento