Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Facebook fan page para sa Mutya ng North Cotabato 2014 binuksan na

Written by: Jimmy Sta.Cruz

AMAS, Kidapawan City (June 16) – Upang lalong maging aktibo ang search ng Mutya ng North Cotabato 2014 Centennial Queen, inilungsad kamakaylan ng Provincial Governor’s Office Media Center – PGO Media Center ang isang fan page sa Facebook upang mailathala ang lahat ng mga updates at larawan ng mga kandidata.

Ito ay ang Mutya ng North Cotabato fan page na patuloy na binibisita ng mga netizens.

Ayon kay Ralph Ryan Rafael, Focal Person ng PGO Media Affairs, maaari ng subaybayan ng kanilang mga supporters at tagahanga ang bawat kandidata ng Mutya ng North Cot. 2014.

Lalo pang naging aktibo ang fan page ng magsimula ang online voting ng pinaka-popular na kandidata o pinakamaraming likes.

Tatanggap ng People’s Choice Award ang magwawaging kandidata sa naturang online voting bilang pinakasikat na kandidata.

Sinabi ni Rafael na ito ay magandang paraan para makakuha ng mas malaking suporta ang bawat kandidato at magkaroon ng inter-action ang bawat fan.

Noong June 5 at 6 ay ginawa ang official photo shoots ng mga kandidata at inilabas sa publiko ang kanilang mga larawan.

Hangang-hanga naman ang mga fans at supporters sa patalbugan ng mga Mutya ng Nort Cot hopefuls.

Gaganapin ang Talent Night sa August 1 at ang grand pageant and coronation night naman ay gaganapin sa Aug. 25, 2014. (JIMMY STA. CRUZ/PGO Media Center)



0 comments:

Mag-post ng isang Komento