Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

27-anyos na tulak droga, arestado; suspek din sa nangyaring pagbaril sa isang lalaki sa Kabacan

(Kabacan, North Cotabatao/ June 17, 2014) ---Arestado ang 27 anyos na lalaki matapos mahulihan ng pinaniniwalaang shabu sa Purok Saranay Brgy. Poblacion, Kabacan, Cotabato Kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni Police Supt. Jordine Maribojo Hepe ng Kabacan PNP ang suspek na si Alvin Langalin Payot, 27 anyos, Kasado, walang trabaho at residente ng Kibayao, Carmen, North Cotabato.


Narekober mula sa posisyon ng suspek ang isang plastic heat sealed sachet na naglalaman ng pinaniniwalaang shabu.

Maliban dito, ang suspek ay matagal na ring minamanmanan ng Kabacan PNP makaraang nasa listahan ito ng mga wanted sa Kabacan.

Si Payot ay itinuturong responsable sa pagbaril kay Joey Jaurigue na residente ng bayan ng Mlang noong May 29, 2014 alas 5:41 ng hapon sa bahagi ng Mapanao St.


Sa ngayon kalaboso ang suspek sa Kabacan Lock up cell dahil sa paglabag sa patong patong na kaso na kakaharapin nito bukod pa sa RA 9165 o comprehensive dangerous drugs act of 2002. Rhoderick Beñez

0 comments:

Mag-post ng isang Komento