(Kabacan, North Cotabato/ June 17, 2014) ---Natiklo
ng mga otoridad sa ikinasang drug buy-bust raid ang apat katao, isa rito
kindergarten pupil at dalawa mga teenager, sa Poblacion, Kabacan, North
Cotabato, alas 4:30 ng hapon, kahapon.



Ayon kay Mauricio, kaya nila isinama sa
hinuli ang anim na taong gulang na Kindergarten pupil dahil sa bag niya
isinilid ang shabu na umano ibibenta ni Alamada sa isa sa mga ‘asset’ ng CIDG.
Si Alamada ay bayaw ng bata at ate nito.
Todo-tanggi naman ang babaeng tinedyer sa
alegasyon na sangkot sila’ng magkapatid sa illegal na droga.
Kwento niya, wala siya’ng alam na shabu ang
laman ng pakete na isinilid ng kanyang brother-in-law sa bag ng kanyang
kapatid.
Nagkataon lamang daw na naroon sila sa erya
nang gawin ang raid.
Mismo’ng ang bayaw
daw niya ang humiling na sabay na lamang sila na umuwi ng bahay pagkatapos ng
klase ng kapatid.
Nasa kustodiya ngayon ng CIDG North Cotabato
ang mga suspect habang inihahanda ang mga kasong isasampa kontra sa kanila.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento