Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Rape suspek; arestado sa Lebak, Sultan Kudarat


(Lebak, Sultan Kudarat/ February 7, 2013) ---Arestado ng mga pulis ang 19-taong gulang na binata matapos ituro’ng responsable sa panggagahasa at pagpatay noong Martes sa dose anyos na babae sa isang barangay sa Lebak, Sultan Kudarat.
      
Kinilala ni PO1 Kristine Ivy Derecho, investigator-on-case ng Lebak PNP, ang suspect na si Jolly Ado Esparar na taga-Barangay Barurao, Lebak.
      
Batay sa testimonya ng ilang testigo, si Esparar ang huling nakita nila na kasama ng bata nang mawala ito noong Lunes.

      
Dinala raw ng suspect ang bata sa may plantasyon ng mangga, malapit sa ilog sa Barangay Barurao.
      
Simula noon ay ‘di na nakauwi ang bata.
      
Agad dumulog sa PNP ang ina ng bata.
      
Sa tulong ng testigo, nahuli ng mga pulis si Esparar.
      
Sa imbestigasyon, inamin ng suspect ang krimen at itinuro kung saan niya inilibing ang bata.
      
Tinungo ng mga pulis, sa pangunguna ni SPO4 Gerardo Vecilles ng Lebak PNP ang erya at doon tumambad ang bangkay ng biktima.
      
Sa post-mortem exam, lumabas na ginahasa ang bata bago pinatay.

Nasa kustodiya ng Lebak PNP ang suspect habang inihahanda nila ang kasong rape at murder kontra rito.

0 comments:

Mag-post ng isang Komento