Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Barangay Treasurer na di umano pumapasok sa trabaho inireklamo sa Makilala, North Cotabato



(Makilala, North Cotabato/ February 5, 2013) ---HINDI ikinaila ni Barangay Chairman Danilo Dante ng Barangay Kisante, Makilala, North Cotabato ang madalas na pag-absent ng kanyang barangay treasurer sa trabaho.

Ito ay makaraang ireklamo ng ilang residente ang delay sa pagkuha ng barangay clearance at sedula.


Hindi raw nakikita ang barangay treasurer na si Margie Carias kaya’t walang magawa ang mga residente kundi antayin kung kaylan ito papasok sa trabaho.

Sinabi naman ni Chairman Dante na walong oras dapat magtrabaho ang isang barangay official.

Nagkataon lang raw na may problemang inaasikaso si Carias partikular sa pamilya nito kaya’t apektado ang trabaho nito.

Nangako ang opisyal na aaksiyunan ang reklamo laban sa kanyang barangay treasurer. (JS)


0 comments:

Mag-post ng isang Komento