Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Isang Chainsaw sa Matalam, North Cotabato; Ninakaw


(Matalam, North Cotabato/ February 7, 2013) ---Ninakaw ng di pa nakikilalang salarin ang isang chainsaw kahapon dakong alas 2:30 ng madaling araw sa Purok Santol Brgy. Central Malamote sa bayan ng Matalam, North Cotabato.

Ang ninakaw na chainsaw ay pagmamay-ari ng isang Mocaliden Mamangan Dimacial, 35 anyos, may asawa, magsasaka at residente ng nabanggit na lugar.


Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng Matalam PNP, bago maganap ang insidente ay may narinig umano ang biktima na pumarada na isang unit ng single motorcycle sa harap ng kanyang bahay at maya-maya ay bigla umano itong humarurot sa di matukoy na direksyon at nang lumabas ang biktima upang tingnan ang kanyang chainsaw na nakalagay sa labas ng kanyang bahay ay doon nalaman na nawala na pala ito.

Sa ngayon patuloy pa rin ang ginagawang imbestigasyon ng Matalam PNP ang patungkol sa nangyaring insidente. Randy Yap, DXVL News

0 comments:

Mag-post ng isang Komento