Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Motorsiklo, ninakaw sa Carmen, North Cotabato; driver tinutukan ng baril



(Carmen, North Cotabato/ February 4, 2013) ---Tinangay ng di pa nakilalang salarin ang isang motorsiklo sa Brgy. Kibayao, Carmen, North Cotabato, kamalawa.

Kinilala ang may ari na si Ludegario Amoro, 54 na taong gulang at residente ng Purok 4 ng Poblacion ng nasabing lugar.

Ang ninakaw na motorsiklo ay may plate number 2664MV.

Tinambangan umano siya ng dalawang lalaki at bigla na lamang tinutukan sa leeg ng baril.

Nagpahatid ang mga suspek sa di malamang lugar.

Di pa makuntento at tinangay pa ng mga suspek ang nasabing sasakyan at umiskapo papalayo.
Nagsagawa na ng imbestigasyon ang Carmen PNP sa pamumuno ni Supt. Franklin Anito. Chriss Corpuz, DXVL NEWS!


0 comments:

Mag-post ng isang Komento