Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

2 Lalake; Arestado sa Buybust operation ng Midsayap PNP



(Midsayap, North Cotabato/ February 4, 2013) ---Kulungan ang bagsak ng dalawang lalaki makaraang mahuli dahil sa paglabag sa RA 9165 o comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 sa bayan ng Midsayap, North Cotabato alas 6:30 ng gabi kamakalawa.

Kinilala ang mga nahuli na sina Jhonrey Ballon alyas “Jun-Jun”, 25, walang trabaho at Marvin Silvano Villar, 20, binata at kapwa residente ng Lower Cabaruyan sa bayan ng Libungan.


Ayon kay Senior Inspector Henry Canja Narciso ng Midsayap PNP, na-rekober sa mga suspek ang 5 plastic sachet na naglalaman ng shabu, 1 small cut of aluminum foil, 1 colored black film container, 1 tooter, 1 unit ng RUSI 110 cherry mobile phone colored blue, 1 unit ng C-1 cherry mobile phone colored black at 1 piraso ng P500 peso bill bilang marked money.

Sa ngayon nasa lock up cell na ng Midsayap PNP ang dalawang suspek at inihahanda na ang kasong isasampa kontra sa dalawa. Randy Yap, DXVL News


0 comments:

Mag-post ng isang Komento