Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

58-Anyos na Misis Kritikal sa Pananaksak ng kanyang Asawa sa Matalam, North Cotabato



(Matalam, North Cotabato/ February 5, 2013) ---Kritikal ang isang 58 anyos na Misis matapos umano itong saksakin ng kanyang asawa noong araw ng Linggo dakong alas 8:35 ng gabi sa bayan ng Matalam, Noth Cotabato.

Kinilala ang biktimang si Panchita Diaz Panoncio, maybahay at ang suspek naasawa ng biltoma na si Elpidio Panela Panoncio, 62 anyos, retired AFP na parehong residente ng Purok Anthorium sa bayan ng Matalam.


Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng Matalam PNP, bago maganap ang insidente masayang nagcha-chat pa umano ang biktima sa kanyang mga anak gamit ang laptop computer sa loob ng kanilang kwarto at nang dumating na nga ang asawa ng biktima na pinaniniwalaang lulong sa alak ay nagkaroong umano sila ng pisikal na pagtatalo na nauwi sa pananaksak ng suspek na si Elpidio sa kanyang maybahay na si Panchita.

Nagtamo ng isang saksak sa kaliwang bahagi ng noo ang biktima na agad namang isinugod ito ng kanyang apo sa Kidapawan Medical Specialist kung saan ay idineklara na itong dead on arrival.

Narekober naman sa pinangyarihang insidente ang isang round bar na ginagamit sa pagkabit ng kurtina na pinaniniwalaang ginamit ng suspek sa pananaksak sa biktima.

Sa ngayon naghihimas na ng malamig na bakal sa rehas ng Matalam PNP ang suspek sa nangyaring insidente. Randy Yap, DXVL News




0 comments:

Mag-post ng isang Komento