Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

North Cotabato Gay Pride Festival, gaganapin sa susunod na linggo


(Kabacan, North Cotabato/ February 6, 2013) ---Gaganapin na sa susunod na linggo ang North Cotabato Gay Pride Festival sa tatlong distrito nito ng probinsya.

Ang selebrasyon ay  magsisimula mula February 13-15 2013 na sunud-sunod na mangyayari sa tatlong distrito nito.

Magkakaroon  naman ng ibat-ibang patimpalak sa naturang selebrasyon  gaya na lamang ng: Miss Gay, Hair and make up show, costume designing, parlor games at marami pang iba.

Ang selebrasyon na ito ay pagbibigay pugay sa galing at talento  ng mga bakla dito sa probinsya ng North Cotabato. Ito ayon kay  Kabacan Pink Flamingo Association President-Adora Magoncia.

Samantala nanawagan naman si Magoncia sa lahat ng mga bakla dito sa Kabacan na magkakaroon kayo ng isang meeting  ngayong darating na February 7, 2013 bukas alas sais ng gabi sa Barangay Osias Basketball Court upang pag-usapan at paghandaan ang paparating na selebrasyon. (Chriss Corpuz)


0 comments:

Mag-post ng isang Komento