Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Bahay nilooban sa Carmen, North Cotabato


(Carmen, North Cotabato/ February 7, 2013) ---Nilooban ng mga di pa matukoy na salarin  ang isang bahay  kamakalawa sa Barangay Tondo, Carmen North Cotabato.

Ang bahay ay napag-alaman na pagmamay ari ng isang Elena Galve, 64y/o resident eng nabanggit na lugar.

Ayon sa kanya, mag-iigib lang diumano siya ng tubig sa labas ng kanilang bahay at nang siya’y bumalik sa kanilang tahanan at pumasok sa kwarto ng kanyang anak ay namataan niyang wala na ang isang bag na kagamitan ng kanyang anak na sundalo.

Ang bag ay naglalaman ng mga sumusunod: military uniform, 60 ammos, mga damit, sapatos at marami pang iba.

Ngunit  pagkaraan diumano ng ilang oras ay  laking gulat nito na nakalagay na sa ibabaw ng kanilang divider ang bag na pinaniniwalaang inilagay at gawa ng mga may salarin.

Patuloy naman sa pagsisiyasat at imbestigasyon ang ginagawa ng Carmen-PNP  sa naturang panloloob. Chriss Corpuz, DXVL News!


0 comments:

Mag-post ng isang Komento