Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Panibagong nakaw motorsiklo, naitala ng Carmen PNP



(Carmen, North Cotabato/ February 5, 2013) ---Ninakaw ng mga di pa matukoy na salarin ang isang motorsiklo nitong linggo ng madaling araw sa isang tahanan sa Barangay Lanoon, Carmen, North Cotabato.

Napag alaman na ang kinawat na motorsiklo ay isang Honda XRM 125, kulay asul , may plate # na 2437MR.

Ito ay pagmamay ari ng isang Shajid Almad Sebil 33-taong gulang at residente ng nabanggit na lugar.

Sinabi ni Sebil na may narinig umano siyang ingay bandang alas dos ng madaling araw sa loob mismo ng kanilang ngunit hindi nila ito pinansin at sa halip ay hinayaan lamang dahil sa antok.

Pero nung siya ay magising ay wala na ang kanyang motor sa garahe.

Ito na ang unang kasong nakaw-motorsiklo na naitala ng  Carmen-PNP sa buwang ito ng Pebrero.

At pang-apat na kaso simula buwan ng Enero, pero sa mga kasong ito ni isa walang pang narekober ang mga pulisya. (Chriss Corpuz, DXVL NEWS)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento