Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Lalaking nahaharap sa kasong robbery sa Carmen, North Cotabato; arestado



(Carmen, North Cotabato/ February 5, 2013) ---Arestado ang isang lalaki na may kasong robbery nitong linggo ng hapon sa Poblacion, Carmen,North Cotabato.

Kinilala ng Carmen PNP ang inaresto na si Totong Aliman, nasa tamang edad at residente ng Purok 12, Poblacion ng nabanggit na bayan.

Nanguna sa pag-aresto si SPO1 Francisco Penaranda sa suspek sa bisa ng warrant of Arrest.

Inaresto ang suspek sa mismong bahay nito.

Ayon sa report matagal na umanong minamanmanan ngmga otoridad ang suspek.

Ang suspek ang pangunahing responsable sa pagransacked sa mga tindahan at establisyamento sa bayan nitong mga nakaraang linggo.

Sa ngayon kalaboso at naghihimas ng malamig na rehas bakal ang salarin. (Chriss Corpuz, DXVL NEWS)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento