Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Residential house sa isang barangay ng bayan ng Kabacan, nilooban: mahigit P30K na halaga ng gamit natangay

(Kabacan, North Cotabato/ August 14, 2015) ---Abot sa P32,600 na halaga ng gamit ang natangay ng mga kawatan sa isang bahay sa Purok 1 Brgy. Katidtuan ng bayan ng Kabacan kahapon.

Ayon sa report ng Kabacan PNP kinilala nito ang may-ari ng bahay na isang Mary Grace Malayan, 31 anyos, may-asawa, isang Bookkeeper at residente ng nasabing lugar.

Mag-aalas 6:00 na kahapon ng umaga ng matuklasan ng may-ari na nalooban na sila.


Tinangal umano ng mga suspek ang isang blade ng glass window ng bahay na kanilang naging daanan upang makapasok.

Natangay ng mga kawatan ang Cherry Mobile na cellphone na P600.00, isang Lenovo Tablet na nagkakahalaga ng P24,000.00, Lenovo Cellphone na nagkakahalaga P8,000,00 at wallet naman ni Mary Grace na meroong mga importanteng mga ID’s at mga dokyumento.

Patuloy pang iniembistigahan ng Kabacan PNP ang nasabing insidente. Mark Anthony Pispis


0 comments:

Mag-post ng isang Komento