Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Magsasaka, kritikal ng pagbabarilin sa Kabacan

(Kabacan, North Cotabato/ August 12, 2015) ---Personal grudge ang tinitingnang motibo ng pulisya sa pagbaril sa isang magsasaka sa Brgy.Aringay, Kabacan Cotabato pasado alas 7:00 kagabi.

Kinilala ni PSI Ronnie Cordero OIC-PNP chief ng Kabacan PNP ang biktima na si Abner John Hilario Diaz, 25 anyos, binata at residente ng nasabing lugar.

Sa imbestigasyon ng Kabacan PNP, nakatayo lamang sa harap ng kanilang bahay ang biktima nang barilin ng suspek gamit ang di pa natutukoy na calibre ng baril. 

Nagtamo ang biktima ng sugat sa parte ng abdomen nito at agad na isinugod sa USM Hospital.

Ayon kay PSI Ronnie Cordero sa panayam ng DXVL news kalaunan ang biktima ay dinala sa Amas Provincial Hospital at inilipat sa pagamutan sa Davao City.

Dagdag pa ni Cordero na sa patuloy na hot pursuit operation ng Kabacan PNP ay nahuli ang suspek sa kanilang bahay na si Jerome Diaz Vino, 25 anyos, binata at residente rin ng nasabing lugar.

Sa imbestigasyon ay napag-alamang magkamag –anak ang biktima at ang suspek at nagkaroon na ng dating alitan. Christine Limos

0 comments:

Mag-post ng isang Komento