Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Malayong Barangay sa bayan ng Mlang, mabibiyaan ng libreng pabahay

(Mlang, North Cotabato/ August 13, 2015) ---Tatlong mga liblib na barangay sa bayan ng Mlang, North Cotabato ang mabibigyan ng dagdag na libreng pabahay.

Ayon kay Mlang Mayor Joselito Piñol, na plano ngayon ng lokal na pamahalaan ng Mlang, North Cotabato na maabot ang iba pang barangay sa libreng pabahay program para sa mga lumad sa bayan.

Sinabi ng alkalde na target nilang mapatupad ang dagdag na mga housing project sa tatlong mga IP communities sa Brgy. Palma Perez, Nueva Vida at brgy. Magalion.

Abot sa isang daang pamilya ang posibleng makakabenipisyo at maidaragdag sa kanilang listahan na titira na sa disenteng bahay oras na mapatupad na ang nasabing pabahay Program.


Inihayag rin ng opisyal ang una ng naiturn-over na mga bahay sa Sitio Bia-o, brgy. New Ezperanza na libreng ibinahagi ng gobyerno para sa mga Indigenpus People sa bayan ng Mlang. Rhoderick Beñez

0 comments:

Mag-post ng isang Komento