Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Pagbaril patay sa isang 31-anyos na lalaki sa bayan ng Carmen, patuloy na iniimbestigahan

(Carmen, North Cotabato/ August 10, 2015) ---Patay on the spot isang 31 anyos na lalaki matapos pagbabarilin ng mga di pa kilalang mga suspek sa tabi ng National Highway particular sa Purok 2, Brgy. Liliongan, sa bayan ng Carmen North Cotabato dakung alas 5:30 kamakalawa ng hapon.

Kinilala ni PSI Julius Malcontento hepe ng Carmen PNP ang biktima na isang KENNETH SABEROLA , walang trabaho at residente ng nabanggit na barangay.

Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon ng Carmen PNP na nakaupo lamang sa harapan ng bahay ng kanyang tiyuhin ang biktima nang walang kaabog-abog na pinagbabaril ng tatlong di pa nakilalang mga suspek sakay ng isang pick-iup na kulay puti.

Nagtamo ng tama sa ibat-ibang bahagi ng katawan ang biktima na naging dahilan ng kanyang agarang kamatayan.

Narekober sa crime scene ang 7 basyo ng kalibre 45 na pistol at isang basyo ng 9MM Mortar.

Patuloy pa ngayong inaalam ng Carmen PNP ang motibo sa nasabing pamamaril.

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang hot-pursuit operation ng Carmen PNP para sa posibleng pagkadarakip ng mga suspek. Mark Anthony Pispis


0 comments:

Mag-post ng isang Komento