Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Graduating student nag-selfie, bago nagpakamatay?

(Carmen, North Cotabato/ August 10, 2015) ---Natagpuang wala ng buhay ang isang 19-anyos na dalaga matapos na pinaniniwalaang nagbigti sa sariling silid nito sa kanilang bahay sa Purok 3, Barangay General Luna, Carmen, North Cotabato ala 1:00 ng hapon nitong Sabado.

Sa report na nakarating kay PCI Bernard Tayong, ang tagapagsalita ng Cotabato Police Provincial Office kinilala ang biktima na si April Rose Jimenez, 19-anyos, graduating HRM student ng USM at residente ng nasabing lugar.

Ang biktima, ayon sa report ay anak ng dating brgy. Kapitan sa nasabing lugar.

May lumalabas na ulat na sa kapitbahay ng biktima namatay si April Rose, dahil ang paalam nito ay gagawa daw sila ng thesis niya.

Napag-alaman pa mula sa Cotabato Police Provincial Office o CPPO nakita na lamang ng kanyang mga kapamilya si April Rose na wala ng buhay matapos na nagbigti ito gamit ang lubid habang nasa ilalim nito ang isang mono block chair na ginamit nito bago nagpakamatay.

Nagawa pa nitong mag-selfie na may lubid sa leeg nito, bago nangyari ang insidente, ayon sa ilang mga ebedensiya na nakuha sa cell phone nito.

Patuloy pa ngayon ang ginagawang imbestigasyon ng Carmen PNP kung may foul play sa pagkamatay ng biktima. Rhoderick Beñez

  

0 comments:

Mag-post ng isang Komento