Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Barangay Kapitan at kasamang escort patay sa panibagong pamamaril sa Pikit, Cotabato

(Pikit, North Cotabato/ August 14, 2015) ---Patay ang Punong Barangay kasama ang escort nitong Barangay Peace-Keeping Action Team o BPAT makaraang paulanan ng bala sa bahagi ng Brgy Gli-Gli ,Pikit, North Cotabato pasado alas 3:00 kahapon ng hapon.

Kinilala ni PI Sindato Karim, hepe ng Pikit PNP ang mga biktima na sina Dats Simon, Brgy. Kapitan ng Brgy. Bulol sa nasabing bayan at ang escort nitong si Akmad Bantas.

Nagtamo ng ibat-ibang tama ng bala sa iba’t-ibang parte ng kanilang katawan ang mga biktima dahilan ng agaran nilang kamatayan.

Sakay ng motorsiklo ang mga biktima papauwi ng salubungin ng dalawang riding tandem at pinaulanan ng bala gamit ang m16 armalite rifle.

Kinuha pa umano ng mga suspek ang baril ni kapitan Simon at saka tumakas.

Naisugod pa umano sa bahay pagamutan ang mga biktima ngunit idineklara ring dead on arrival.


Personal grudge ang sinusundang anggulo ng Pikit PNP sa nasabing pamamaril. Mark Anthony Pispis

0 comments:

Mag-post ng isang Komento