Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Nat'l Highway ng Kabacan, binalot ng bomb scare

(Kabacan, North Cotabato/ August 1, 2015) ---Nag-negatibo sa anumang uri ng pampasabog ang suspected baggage na naiwan sa harap ng 3F Fortune na nasa National Highway, Poblacion, Kabacan, North Cotabato kaninang umaga.

Ito ayon kay PSI Ronnie Cordero, hepe ng Kabacan PNP matapos na pinaputok ng EOD team ang nasabing baggage na isang cellophane na pinaniniwalaang basura at may lamang bote.

Nagdulot naman ng perwisyo sa daloy ng trapiko sa Nat’l High way ang nasabing insidente.

Pasado alas 11:00 kanina ng dumating ang EOD team at pinaputok ito.


Matapos ang clearing operation sa lugar, agad na bumalik sa normal ang daloy ng trapiko sa National Highway. 

0 comments:

Mag-post ng isang Komento