Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Suspek na pumatay sa lolo sa loob ng internet café, tukoy na!

(Magpet, North Cotabato/ July 30, 2015) ---Patuloy ngayon ang ginagawang imbestigasyon ng mga otoridad sa pagpatay sa isang lolo sa loob ng internet café sa palengke ng Poblacion, Magpet, North Cotabato kahapon.

Sinabi ni PSI Felix Fornan, hepe ng Magpet PNP, na robbery ang isa sa mg angulong sinusundan nila matapos na matangay ang ilang mga gamit at pera ng 60-anyos na si Isidro Vesillas Alpas.


Sa imbestigasyon ng pulisya tadtad ng taga at saksak ang katawan ng biktima na posible namang nanlaban ito sa pinaniniwalaang dalawa hanggang limang mga suspek.

Ayon kay Fornan wala rin silang nakitang sapilitang pagbukas sa nasabing shop kaya naniniwala silang kakasarado palang ng biktima sa shop nito at posibleng hating gabi nangyari ang krimen.

Una rito pasado alas kwatro ng madaling araw kahapon ng matanggap ng Magpet PNP ang report mula sa isang concerned citizen na nagtitinda rin sa loob ng palengke.


0 comments:

Mag-post ng isang Komento