Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

PNP wala pang lead sa mga salarin sa panghahagis ng granada sa isang residential house sa Kabacan


(Kabacan, North Cotabato/ April 12, 2013) ---Blanko pa ngayon ang Kabacan PNP kung anu ang motibo sa nangyaring paghagis ng granada sa isang residential house na nasa Zamora St., Poblacion, Kabacan alas 7:00 ng gabi nitong Miyerkules.

Ayon sa report ng Kabacan PNP hinagisan ng mga di pa nakilalangmga salarin ang bahay ni Jona Baylen Raquel, 37 taong gulang, may asawa at negosyante.

Ang mga suspek ay riding in tandem na sakay sa Single Honda TMX na mabilis namang tumakas papalayo papuntang Maria Clara St.

Maswerte namang di sumabog ang granada pero nabasag ang window glass ng bahay ng mga biktima kungsaan lumusot pa ang granada sa mismong bedroom ng mga biktima.

Agad namang dumating ang EOD Team at sa pagsisiyasat ni P03 Arner Gallera ang narekober na pampasabog ay isang fragmentation hand grenade.

Inatasan na rin ng LGU Kabacan ang PNP na higpitan pa ang seguridad dahil marami ang nakakalusot na mga armado sa kabila ng ipinapatupad na election gun ban. (Rhoderick Beñez/DXVL News)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento