Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

25-anyos na lalaki, sugatan makaraang pagbabarilin sa Kabacan


(Kabacan, North Cotabato/ April 8, 2013) ---Pinagbabaril ng di pa nakilalang suspek ang isang 25-anyos na lalaki sa Sinamar 2, Poblacion, Kabacan, Cotabato alas 9:30 kagabi.

Kinilala ng Kabacan PNP ang biktima na si Michael Galay residente ng nabanggit na lugar.
Ayon sa inisyal na pagsisiyasat ng mga pulisya pinaulanan ng bala ang suspek habang nasa labas ito ng kanilang bahay, 15 metro ang layo.

Nagtamo ng isang tama ng bala si Galay sa kaliwang dibdib nito at mabilis namang isinugod sa Kabacan Medical specialist pero sa di kalaunan ay dinala na ito sa Kidapawan Medical Center.

Pitong mga basyo ng bala ng m16 ang narekober sa crime scene na siya’ng ginamit sa nasabing pamamaril.

Agada namang tumakas ang suspek sa di malamang direksiyon.

Patuloy pa ngayon ang ginagawang imbestigasyon ng pulisya kung anu ang motibo sa nasabing pamamaril. (Rhoderick Beñez)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento