Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Fact Finding Committee; inaasahang darating bukas sa USM


(USM, Kabacan, North Cotabato/ April 9, 2013) ---Mangunguna ang binuong Fact Finding Committee ng Commission on Higher Education o CHED sa pagsisiyasat ng pinag-ugatan ng gusot sa University of Southern Mindanao o USM.

Ito ang sinabi sa DXVL News kahapon ni Mr. William dela Torre, isa sa mga tumatayong tagapagsalita ng mga raliyesta, inaasahan na nila ang pagdating ng FFC team bukas, ito ayon kay OIC Dr. Teresita Cambel.

Batay kasi sa BOR 113, mananatiling OIC si Dr. Cambel bilang Pangulo ng Pamantasan habang pinalawig naman ang leave ni Dr. Derije habang nagpapatuloy ang imbestigasyon sa mga kinakaharap nitong kaso, ayon kay dela Torre.

Sinabi ng tagapagsalita, na hindi muna nila gagambalain ang normal na sitwasyon ng University ngayon habang nalalapit ang graduation sa USM. (Rhoderick Beñez)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento