Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

48-anyos na lalaki, patay matapos pagtatagain at pagbabarilin sa Kabacan, Cotabato


(Kabacan, North Cotabato/ April 12, 2013) ---Bangkay na ng matagpuan ang katawan ng isang 48-anyos na lalaki makaraang pagtatagain at pagbabarilin ng di pa nakilalang salarin sa Brgy. Salapungan, Kabacan, Cotabato alas 3:00 kahapon ng hapon.

Kinilala ni PC/Insp. Jubernadine Panes, deputy Chief of Police ng Kabacan PNP ang biktima na si Nonoy Alera, may asawa at residente ng Kidapawan City.

Batay sa inisyal na pagsisiyasat, naganap ang insedente habang nag-dedeal ang biktima kasama ang kasosyo sa negosyo na si Guerero Jalipa, 36-anyos, may asawa at residente ng nabanggit na lugar.

Si Jalipa ay nasa kabilang bahay ng sugurin ng isa mga suspek at sinuntok sa ulo gamit ang isang uri ng baril pero nagawa pang makatakas ang biktima mula sa kamay ng mga suspek.

Pero ang bangkay na katawan ni Alera ay natagpuan sa gilid ng Kabacan River na nasa Dalapuan 100 metro ang layo buhat sa bahay kungsaan pinaslang ang biktima.

Inaalam pa ngayon ng Kabacan PNP sa tulong ng Kapitan ng Salapungan kung anu ang motibo sa nasabing krimen.

Ito ang magkahiwalay na shooting incident na naitala ng Kabacan PNP na nangyari sa loob ng isang araw. (Rhoderick Beñez/DXVL News)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento