Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Fact-Finding Committee, di makakarating ngayong araw


(USM, Kabacan, North Cotabato/ April 10, 2013) ---Hindi pa nakukumpleto ang binuong Fact Finding Committee dahilan kung bakit di makakarating ang mga ito ngayong araw dito sa University of Southern Mindanao o USM Main campus.

Ito ang sinabi sa DXVL Radyo ng Bayan ni Mr. William dela Torre, isa sa mga tumatayong tagapagsalita ng raliyesta.

Sinabi nito, na nagbago ang numero ng FFC team.

Aniya, dapat ay tatlong personahe ang bubuo sa nasabing team kasama ang dalawang secretariat, pero hanggang ngayon ay di pa ito nakumpleto, ayon kay dela Torre.

Umaasa kasi sila na darating ngayong araw ang nasabing team.

Ayon sa tagapagsalita, kailangan pa munang i-meet ni chairman Ruperto Sanggalang ang binuong team bago ang gagawing pagsisiyasat sa USM. (Rhoderick Beñez)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento