Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Kidapawan City PNP, may lead ng sinusundan sa serye ng holdapan sa lungsod


(Kidapawan City/ April 3, 2013) ---May mga suspect nang sinusundan ang Kidapawan City PNP sa serye ng hold-up sa Kidapawan City.

Ayon kay Supt. Joseph Semillano, Police Director ng Kidapawan City, iisa ang grupong nang holdap sa tatlong business establishment sa lungsod.


Pareho raw kasi ang modus o estilo ng mga suspect na sa araw ginagawa ang panghoholdap.

Riding in tandem raw ang mga suspect at armado ng kalibre 45 na baril.

Gumagamit raw ito ng motorsiklong walang license plate, dagdag pa ni Semillano.
Kaugnay nito, umapela naman ang opisyal sa mga business establishment sa lungsod na mag-doble ingat laban sa mga masasamang loob.

Agad rin daw itawag sa kapulisan ang mga mababantayang kaduda-dudang grupo o indibidwal para agad ring marespundihan ng otoridad. (Jimmy Santacruz)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento