Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Buy and Sell sa Kabacan, hinold-up; di matukoy na halaga ng cash, natangay


(Kabacan, North Cotabato/ April 2, 2013) ---Hinold-up ng dalawang mga di pa nakilalang mga salarin ang Garcia Agri Buy and Sell na nasa National Highway, Brgy. Kayaga, Kabacan, Cotabato ala 1:30 kahapon ng hapon.

Ayon sa report ng Kabacan PNP tinutukan ng baril ang may ari ng nasabing establisiemento na si Geraldine Garcia nasa tamang edad.

Walang magawa ang biktima dahilan kung bakit natangay ng mga ito ang di pa matukoy na halaga ng pera.

Mabilis namang tumakas ang mga suspek matapos maisakatuparan ang masamang balakin sa di malamang direksiyon sakay sa isang kulay itim na single Honda XRM 125 motorcycle.

Sa ngayon nasa ilalim na ng imbestigasyon ng Kabacan PNP ang nasabing insedente habang pinakikilos na ng lokal na pamahalaan angmga otoridad sa pagsugpo ngmga kriminalidad sa bayan. (Rhoderick Beñez)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento